Pananatili



                Alas dose na ng madaling araw nang ako’y nakauwi sa bahay dala nang mabigat na daloy ng trapiko. Pagod na pagod na ako at maaga pa ako sa trabaho kinabukasan kaya napagdesisyonan ko nang matulog. Tirik na tirik na ang araw nang ako’y magising kaya alam ko na sa sarili ko na ako ay mahuhuli sa aking trabaho ngunit pumasok parin ako dahil ika nga “It’s better late than never.” Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay mukha na nang aking boss ang sumalubong sa akin. Sa dinami-dami ng sinabi niya sa akin, isa lang ang tumatak sa isipan ko.
                “Hindi na nga talaga totoo ang pagiging makabansa ng mga Pilipino.”
                Napaisip ako, ano nga ba ang pagiging makabansa? Kailangan ko bang maging bayani? Kailangan ko bang maging sundalo o kailangan ko bang magbuwis ng buhay para sa bayan upang matawag na isang makabansa? Kinilabutan ako sa aking naiisip dahil sa palagay ko hindi ko naman kaya ang mga kailangan upang kilalanin na isang makabansa.
                Binalewala ko nalang ang aking mga naiisip at pumunta sa aking boss upang humingi ng tawad at ipasa ang mga hinihingi niyang  papeles sa akin kahapon. Kinabukasan ay pumasok ako ng maaga dahil pagod na ako sa mga sermon ng aking boss. Hanggang sa nagpatuloy ito ng nagpatuloy at pinuri niya ako.
                Dito ko napatunayan na ang pagiging makabansa ay hindi nangangailangan na magbuwis ka ng buhay para sa bayan. Ang simpleng pagpasok ko lamang ng maaga ay maituturing na na pagiging makabansa. Ang simpleng pagtapak ko lamang sa pinto ng aming kompanya araw-araw at ang paggamit ko ng aking puso sa aking mga ginagawang trabaho ay sapat na upang matawag na isang makabansa.  Hindi mo na kailangan na maging bayani o kaya maging sundalo upang maging makabayan dahil pagmamahal lang sa bayan at sa kapuwa ang hinihingi upang maging makabansa. At alam ko sa sarili ko na nananatili pa rin ang ugaling makabansa ng mga Pilipino.
               

No comments:

Post a Comment

Pananatili

                Alas dose na ng madaling araw nang ako’y nakauwi sa bahay dala nang mabigat na daloy ng trapiko. Pagod na pagod na ako...