Mula sa BayanMall.org |
Patayan.
Panggagahasa.
Pagnanakaw.
Mga
salitang palaging nakadugtong sa buhay ng isang tao.
“Anim na anyos na batang babae, ginahasa ng kanyang
tiyuhin.”
Katagang
halos araw- araw laman ng radyo’t balita.
Mundo’y punong – puno ng mga tao ngunit nasaan na ang
kanilang pagiging makatao. Tila ba hindi ko na kilala kung sino ang naninirahan
sa mundong ito, kung sila ba’y mga tao?
Ang pagiging tao ay hindi lamang
dahil ikaw ay naninirahan sa mundo. Ito tumutukoy sa kanyang uri o pagka-sino,
sa kanyang bukod tanging katangian (uniqueness) na nahuhubog habang lumalaki at
tumatanda ito. Kung saan ang tao ay may kamalayan sa kanyang sarili,
tulad na lamang ng pagmamahal at pagtulong sa kapwa. Dito niya natutuklas
ang kanyang silbi sa mundong ito, bilang isang persona at bilang isang
indibidwal.
Kaya naman, kung tatanungin ka
bilang tao kung bakit mahirap magpakatao, sa katwirang hindi mo ginagamit ang
iyong kakayahan at katangian, ay sa kadahilanan na dahil ikaw ay nagkakasala,
kaya't mahirap magpakatao sa ganitong sitwasyon.
Hindi naman natin maiwasan
magkasala sapagkat karamihan sa atin ay tao lamang, hindi na makakaila na
maraming tao ang hindi matino sa buhay. Walang ibang nagpumilit kung bakit
tayo nasa isang sitwasyon kundi ang mga sarili natin. Dala ng pagiging tao ang
tungkulin at responsibilidad mo sa
kapwa.
Sabi nga nila, madali maging tao ngunit
mahirap ang magpakatao. Kailangan mo itong gampanan para hindi ka maging alien.
No comments:
Post a Comment