Pagbabago sa Sarili


Nasasaktan. Iyan ang pangunahing pang-uri na mailalarawan ko sa ating mundo. Samut-saring basura ang makikita sa kapaligiran. Mga usok na binubuga ng mga sasakyan. Sa totoo lang, mulat na tayo sa mga epekto nito sa ating kapaligiran, sa mga hayop, maging sa ating sarili. Sadyang halos lahat tayo ay hindi nababahala. Wala tayong aksyon sa mga ginagawa nating ito, kung meron man hindi tayong lahat.
Magsimula tayo sa ating mga sarili. Mga maliliit na bagay ay maituturing na itong malaking tulong sa kalikasan. Linisin ang sariling bakuran. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan. Magpulot ng basura kahit isa o dalawa sa isang araw. Disiplina lamang sa sarili ang kailangan.  
Kung hindi tayo aaksyon sa mga pagsisira natin sa kapaligiran hindi magtatagal ang mundong tinitirahan natin. Iisa lang ang planetang ito sa kalawakan. Kaya ugaliin nating pahalagahan ito. Ang pagbabago ay magsisimula sa ating sarili. Kung pababayaan natin ang ating mundo maaring isang pang-uri nalang ang mailalarawan. Namamatay.

No comments:

Post a Comment

Pananatili

                Alas dose na ng madaling araw nang ako’y nakauwi sa bahay dala nang mabigat na daloy ng trapiko. Pagod na pagod na ako...