Pananatili



                Alas dose na ng madaling araw nang ako’y nakauwi sa bahay dala nang mabigat na daloy ng trapiko. Pagod na pagod na ako at maaga pa ako sa trabaho kinabukasan kaya napagdesisyonan ko nang matulog. Tirik na tirik na ang araw nang ako’y magising kaya alam ko na sa sarili ko na ako ay mahuhuli sa aking trabaho ngunit pumasok parin ako dahil ika nga “It’s better late than never.” Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay mukha na nang aking boss ang sumalubong sa akin. Sa dinami-dami ng sinabi niya sa akin, isa lang ang tumatak sa isipan ko.
                “Hindi na nga talaga totoo ang pagiging makabansa ng mga Pilipino.”
                Napaisip ako, ano nga ba ang pagiging makabansa? Kailangan ko bang maging bayani? Kailangan ko bang maging sundalo o kailangan ko bang magbuwis ng buhay para sa bayan upang matawag na isang makabansa? Kinilabutan ako sa aking naiisip dahil sa palagay ko hindi ko naman kaya ang mga kailangan upang kilalanin na isang makabansa.
                Binalewala ko nalang ang aking mga naiisip at pumunta sa aking boss upang humingi ng tawad at ipasa ang mga hinihingi niyang  papeles sa akin kahapon. Kinabukasan ay pumasok ako ng maaga dahil pagod na ako sa mga sermon ng aking boss. Hanggang sa nagpatuloy ito ng nagpatuloy at pinuri niya ako.
                Dito ko napatunayan na ang pagiging makabansa ay hindi nangangailangan na magbuwis ka ng buhay para sa bayan. Ang simpleng pagpasok ko lamang ng maaga ay maituturing na na pagiging makabansa. Ang simpleng pagtapak ko lamang sa pinto ng aming kompanya araw-araw at ang paggamit ko ng aking puso sa aking mga ginagawang trabaho ay sapat na upang matawag na isang makabansa.  Hindi mo na kailangan na maging bayani o kaya maging sundalo upang maging makabayan dahil pagmamahal lang sa bayan at sa kapuwa ang hinihingi upang maging makabansa. At alam ko sa sarili ko na nananatili pa rin ang ugaling makabansa ng mga Pilipino.
               

Pagbabago sa Sarili


Nasasaktan. Iyan ang pangunahing pang-uri na mailalarawan ko sa ating mundo. Samut-saring basura ang makikita sa kapaligiran. Mga usok na binubuga ng mga sasakyan. Sa totoo lang, mulat na tayo sa mga epekto nito sa ating kapaligiran, sa mga hayop, maging sa ating sarili. Sadyang halos lahat tayo ay hindi nababahala. Wala tayong aksyon sa mga ginagawa nating ito, kung meron man hindi tayong lahat.
Magsimula tayo sa ating mga sarili. Mga maliliit na bagay ay maituturing na itong malaking tulong sa kalikasan. Linisin ang sariling bakuran. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan. Magpulot ng basura kahit isa o dalawa sa isang araw. Disiplina lamang sa sarili ang kailangan.  
Kung hindi tayo aaksyon sa mga pagsisira natin sa kapaligiran hindi magtatagal ang mundong tinitirahan natin. Iisa lang ang planetang ito sa kalawakan. Kaya ugaliin nating pahalagahan ito. Ang pagbabago ay magsisimula sa ating sarili. Kung pababayaan natin ang ating mundo maaring isang pang-uri nalang ang mailalarawan. Namamatay.

Bansag ng Bansa: Makadiyos

larawan ni: Vic Quezon


“Isang Bansa, Isang Diwa”—ay katagang nag bigay kahulugan sa ating bansa noon. Bago ito napalitan ng mga mahalagang paguugali ng Pilipino.
God fearing o ay may takot sa diyos yan ang isa sa mga makikita nating pag-uugali ng isang Pilipino. Tradisyon ng mga Pilipino ang pagsasamba sa Diyos na nagpabuo ng magagandang asal sa bawat isa. Pagiging magiliw sa bawat kapwa ay isang ugali kung saan nakilala ang mga Pinoy. Pagkakaisa ang nagging tulay ng pagunlad ng isang bansa. At tungo sa daan ng Diyos ay nagkakaisa tayo
"Walang sarili kung walang loob.”  Katauhan at Pagkatao ang bumubuo sa isang Pilipino. Dahil ang isang taong walang kaanyuang ito ay walang kamalayan sa paligirang iyong tinatapakan. 
Hindi pa huli ang lahat upang tayoy magbago tungo sa kabutihan. Pwede pa tayong lumapit sa Diyos. Ang Diyos lamang ang makakatulong sa atin upang bumangon kapag tayo’y nadarapa.


ALIEN

Mula sa BayanMall.org
Patayan.
Panggagahasa.
Pagnanakaw.
                Mga salitang palaging nakadugtong sa buhay ng isang tao.
“Anim na anyos na batang babae, ginahasa ng kanyang tiyuhin.”
                Katagang halos araw- araw laman ng radyo’t balita.
Mundo’y punong – puno ng mga tao ngunit nasaan na ang kanilang pagiging makatao. Tila ba hindi ko na kilala kung sino ang naninirahan sa mundong ito, kung sila ba’y mga tao?
Ang pagiging tao ay hindi lamang dahil ikaw ay naninirahan sa mundo. Ito tumutukoy sa kanyang uri o pagka-sino, sa kanyang bukod tanging katangian (uniqueness) na nahuhubog habang lumalaki at tumatanda ito. Kung saan ang tao ay may kamalayan sa kanyang sarili,  tulad na lamang ng pagmamahal at pagtulong sa kapwa. Dito niya natutuklas ang kanyang silbi sa mundong ito, bilang isang persona at bilang isang indibidwal.
Kaya naman, kung tatanungin ka bilang tao kung bakit mahirap magpakatao, sa katwirang hindi mo ginagamit ang iyong kakayahan at katangian, ay sa kadahilanan na dahil ikaw ay nagkakasala, kaya't mahirap magpakatao sa ganitong sitwasyon.
Hindi naman natin maiwasan magkasala sapagkat karamihan sa atin ay tao lamang, hindi na makakaila na maraming tao ang hindi matino sa buhay. Walang ibang nagpumilit kung bakit tayo nasa isang sitwasyon kundi ang mga sarili natin. Dala ng pagiging tao ang tungkulin  at responsibilidad mo sa kapwa.
Sabi nga nila, madali maging tao ngunit mahirap ang magpakatao. Kailangan mo itong gampanan para hindi ka maging alien.

Pananatili

                Alas dose na ng madaling araw nang ako’y nakauwi sa bahay dala nang mabigat na daloy ng trapiko. Pagod na pagod na ako...